Bicol region nagtala ng panibagong record high single day cases sa COVID-19

BICOL—Pumalo sa 455 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw ng Lingo, panibagong record high single day cases sa Bicol region.

Dahil dito ay pumalo na sa 28,914 ang total cases kung saan 6434 (22.25%) nito ang aktibong kaso.

Nagtala ng pinakamataas na panibagong kaso ang Camarines Sur na umabot sa 287 kung saan 79 nito ay mula sa Naga City, 22 sa Buhi, 22 rin sa Nabua, 20 sa Libmanan, 18 sa Ocampo, 16 sa Tinambac, 14 sa Caramoan, 13 sa Magarao, 12 sa Baao, 10 sa Pasacao, siyam sa Pamplona, tigwawalo ang Calabanga, Milaor at Tigaon, anim sa Balatan, tatlo sa Minalabac at Pili, tigdadalawa ang Camaligan, Del Gallego, Garchitorena at Iriga City at tig-iisa ang Bato, Canaman, Lupi, Presentacion, Sagñay, San Fernando, San Jose at Sipocot.

61 sa Sorsogon kung saan 35 nito ay mula sa Sorsogon City, siyam sa Magallanes, tig-apat ang Casiguran at Juban, tatlo sa Gubat, dalawa sa Bulan at Donsol at tig-isa ang Barcelona at Matnog.

Ang Masbate ay may 49 na bagong kaso kung saan siyam nito ang mula sa bayan ng Milagros, tiglilima ang Masbate City, Mobo at Monreal, tig-aapat ang Esperanza, Mandaon at San Jacinto, tigtatlo ang San Fernando at Uson, tigdalawa ang Aroroy at Cawayan at tig-iisa ang Baleno, Pio V. Corpuz at Placer.

41 ang bagong kaso sa Albay kung saan tig-siyam ang bayan ng Camalig at Legazpi City, walo sa Polangui, apat sa Daraga, tigdalawa ang Malinao at Pio Duran at tig-iisa ang Guinobatan, Libon, Ligao City, Manito, Oas, Santo Domingo at Tiwi.

Ang lalawigan ng Catanduanes ay nagtala ng 14 na panibagong kaso kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Virac, tatlo sa Bagamanoc  at tig-iisa ang Bato, Pandan, San Andres at Viga.

Isang kaso naman ang nadagdag sa Camarines Norte na mula sa bayan ng Talisay habang dalawa ang naitalang positibo n amula sa labas ng Bicol, isa ang mula sa Pasig City at isa naman sa Taguic City.

Samantala, pumalo na sa 21,488 (74.32%) ang total recoveries matapos makapagtala ng 171 na bagong gumaling kung saan 46 nito ay mula sa Albay, 43 sa Camarines Sur, 42 sa Sorsogon, 39 sa Masbate at isang mula sa labas ng rehiyon.

Pumalo na rin sa 992 (3.43%) ang death toll matapos na madagdagan ng limang panibagong nasawi kung saan dalawa nito ay mula sa Albay at tatlo sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *