Bagyong Jolina, nag-iwan ng 3 patay at 19 sugatan — NDRRMC

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may tatlong namatay at 19 ang nasugatan noong kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Jolina, habang may apat pang nawawala.

Ayon sa NDRRMC, kasalukuyan namang kinumpirma ng tanggapan ang nauna nilang ulat na may 14 pang namatay at limang nasugatan, habang may tatlo katao pa ang nawawala.

Samantala, 7,533 na pamilya o 29,832 na indibidwal ang lumikas mula sa kanilang tahanan.

Sa bilang na ito, 2,958 pamilya o 11,212 na indibidwal ang kasalukuyang nakasilong sa 181 evacuation centers.

Nag-iwan naman ang bagyo ng P628 milyong pinsala sa agrikultura sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, at Easter Visayas.

P57 milyon naman ang estimated na nasira sa imprastraktura sa bahagi ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Western Visayas.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *