KORONADAL CITY- TAPOS at nakumpleto na ang 27 sa 206 na mga proyekto sa mga target barangays sa Region 12 sa ilalim ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng NTF-ELCAC.
Ang naturang mga proyekto ay binubuo ng 21 mga infrastructure projects at anim na capacity building projects.
Ito ay kinabibilangan ng school buildings sa Barangay Marbel, Kidapawan City; expansion ng Level III potable water systems sa Barangays Singao at Perez sa Kidapawan City; at concreting ng farm-to market roads sa Barangay Tuael at Lomonay sa President Roxas; Datu Ladayon at Tumanding sa Arakan; Camutan sa Antipas; Batang sa Tulunan; Luayon sa Makilala; at Sikitan at Linangkob sa Kidapawan City.
Ang mga ito ay napakinabangan ng 5,764 na mga pamilya sa naturang mga lugar.
Samantala, 676 na mga indibidwal naman ang nakabenepisyo sa 6 na capacity development projects katulad ng financial assistance sa mga mahihirap na pamilya at indibidwal, agriculture-related capacity development, at technical vocational trainings.
