Mga board examinations sa buwan ng Abril ngayong taon dumarami – PRC BICOL

LEGAZPI CITY – Unti-unti nang naibabalik ang mga naantalang examination sa Bicol Region dahil sa pandemya na nararanasan sa bansa nitong nagdaang taon.

Ayon kay Jerome Bañes, ang Chief Professional Regulation Officer ng Professional Regulation Commission (PRC) Bicol, marami na ang nakaline-up na examination ngayon buwan ng Abril at sa mga susunod pa na mga buwan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Aniya, gumaganda na rin kasi ang covid 19 situation at lumuwag na rin ang health protocols na ipinapatupad sa ibang rehiyon. Kabilang sa mga nakatakdang examination ng nasabing buwan ay ang Midwife na mayroong 158 examinees, Real State Brooker 26 na examiness, Electronics Engineers 56, Electronics Technician 88, Register Electrical Engineers 326, at Master Electricians 405 na examinees.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Binigyan diin ng ahensya na kailangan sundin pa rin ang ipinapatupad na guidelines ng IATF. Samantala kakatapos lamang ng Pharmacist Examination nitong nagdaang araw.