26 ANYOS NA TSUPER SA CAUAYAN CITY, PINAGSASAKSAK-PATAY NANG TUMANGGI SA ALOK NA INUMAN

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 26 anyos na tsuper makaraang pagsasaksakin ng 41 anyos na helper sa Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela matapos na tanggihan ng biktima ang alok ng suspek na inuman.

Kinilala ang biktimang si Jaymar Babaran, residente ng Brgy. Duminit at ang suspek na si Rafael Rumbaoa, na residente naman ng Brgy. San Pablo.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cauayan PNP, nasa kalagitnaan na ng inuman ang biktima kasama ang kaniyang biyanan at bilas nang biglang dumating ang suspek na nasa impluwensiya na rin ng alak.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

 Nag-alok ng inuman si Rumbaoa sa kampo ng biktima na siyang tinanggihan nina Babaran at mga kasama nito.

Makaraan ang ilang oras, binalikan ng suspek ang biktima dala ang isang folded knife at dito inundayan ng ilang ulit na saksak si Babaran.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Nagawa pang makalayo ni Babaran subalit naabutan pa rin siya ni Rumbaoa at muling pinagsasaksak ng makailang beses.

Isinugod sa Isabela United Medical Center si Babaran subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng  umasikasong doktor.

Mabilis namang rumesponde ang kapulisan ng Cauayan City PS kaya nadakip din agad ang suspek at na-rekober ang kutsilyong ginamit nito sa karumal-dumal na krimen.

Inihahanda na ang kasong Murder laban sa suspek at kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng Cauayan PNP.