39 KABATAAN, LUMAHOK SA BARANGAY YOUTH LEADERSHIP SUMMIT SA BAGGAO, CAGAYAN

Upang isulong ang positibo at malusog na self-image, kritikal na pag-iisip, pag-ibig sa bayan, responsibilidad sa lipunan, at bolunterismo, 39 kabataan ang lumahok sa three-day Barangay Youth Leadership Summit (BYLS) na pinangunahan ng Youth for Peace-Baggao Chapter nito lamang July 21-23, 2023 sa Barangay Poblacion, Baggao, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sinabi ng isang kalahok na si Justin na malaking tulong ang BYLS sa paghulma sa mga katulad niyang kabataan bilang isang produktibong “pag-asa ng bayan”.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Marami aniya siyang natutunan sa tatlong araw na youth leadership summit. Mas  namulat umano siya sa mga nangyayari sa kaniyang kapaligiran lalo na sa sektor ng mga kabataan tungkol sa ginagawang rekrutment ng NPA.

Dagdag pa ni Justin, makikiisa aniya siya sa pagsugpo ng insurhensiya sa pamamagitan ng pagiging aktibong kabataan sa tamang pamamaraan.

Kaugnay nito, pinuri naman ng Battalion Commander ng 77th Infantry Battalion (77IB) na si LtC Omar Hagada ang mga miyembro ng YFP-Baggao sa kanilang inisyatiba sa pag-oorganisa ng mga ganitong programa.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang kabataan aniya ay mayroong mahalagang tungkulin sa ating lipunan at isa umano itong “shared responsibility” para linangin ang mga ito bilang isang ma-disiplina at matiwasay na mga mamamayan.

Samantala, nakibahagi rin ang 77th Infantry Battalion and 5th Civil Military Operations Battalion-Bravo Company sa pag-oorganisa ng BYLS katuwang din ang PNP Baggao, 1st Provincial Mobile Force Company, Cagayan Police Provincial Office, Baggao National High School, Local Government Unit of Baggao, at Sangguniang Kabataan of Barangay Poblacion.

Photo: 5ID, PA