26-anyos na lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Candelaria, Quezon

Walang habas na pinagbabaril ang isang 26-anyos na lalaki sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Marso 20.

Ayon sa police report, nakasakay sa motorsiklo noon ang biktima bandang 9:45 ng gabi nang biglang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek saka ito pinagbabaril.  

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na agad binawian ng buhay matapos ang insidente.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Samantala, kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pamamaril.