Lalaki patay, matapos pagsasaksakin sa Tiaong, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin ng isa pang lalaki sa Barangay San Antonio, Tiaong, Quezon nitong Miyerkules Marso 20.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang naglalakad ang biktima hinarangan nito ang dadadaanan ng suspek na sakay ng motorsiklo hanggang sa nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Tumakbo ang suspek sa bahay nito at kumuha ng kutsilyo tsaka binalikan ang biktima at walang habas itong pinagsasaksak sa katawan ang biktima, naisugod pa naman ito sa hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala, dumating naman ang isa pang lalaki para magmanehi ng motorsiklo ng suspek at agad tumakas ang mga ito.

Sa ngayon, patuloy pa rin nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at pinaghahahanap pa rin ang mga tumakas na suspek.