250 preso sa So.Cot provincial jail, nabakunahan laban sa COVID 19

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng unang dose ng Sinovac COVID 19 vaccines ang 250 na mga persons deprived of liberty o PDL sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) kamakailan lamang.

Kabilang sa nabakunahan ang mga PDL na nasa A2 priority groups o mga senior citizens, A3 o persons with comorbidity at A5 o kabilang sa poor population.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Ang pamamakuna sa mga ito ay pinangunahan ng mga kawani ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).
Sa ngayon, nasa 335 na ang mga vaccinated na mga preso at jail personnel sa SCRDC kabilang na nag 85 na fully vaccinated.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Ang SCRDC ay mayroong 1,581 na mga PDL batay sa datos noong October 10.