Mga SP members hindi pinagbabantaan ng mga Catholic leaders ayon sa Obispo

KORONADAL CITY- ITINANGGI ni Bishop Cerilo Casicas ng Diocese of Marbel na pinagbabantaan ng mga lider ng Simbahang Katolika na hindi iboboto ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) South Cotabato na pabor sa pag-lift sa open pit mining ban.

Napag-alaman na umalma ang ilang board members dahil sa diumano’y pagbabanta ng mga Catholic leaders kung saan may ipinapakalat na umanong mga flyers sa mga parokya na naghihikayat sa mga mamamayan na huwag iboto ang mga opisyal o kandidato na pabor sa open pit mining.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay Bishop Casicas na may prinsipyo ang simbahan na huwag makilahok sa partisan politics.
Binigyang diin nito na nagbibigay lamang sila ng guidance o gabay sa mga botante kung ano ang dapat basehan sa pagpili ng kandidato.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Dagdag pa ng Obispo na hindi sila nag-uutos kung sinong patikular na kandidato ang iboboto at hindi iboboto.
Ang Diocese of Marbel at iba pang support groups ay umaapela sa SP na na ipanatili ang ban sa open pit mining sa lalawigan na isa sa mga probisyon ng Environment Code.