25 senior citizens sa Albay, sumailalim sa pagsasanay na pangkalusugan gamit ang mga halamang gamot at spices

LEGAZPI CITY – Aabot sa 25 senior citizens sa lalawigan ng Albay ang sumailalim sa pagsasanay na pangkalusugan gamit ang mga halamang gamot at spices.

Ayon kay Rose Belodo, officer-in-charge ng Albay Provincial Agriculture Office (APAO), tinuruan ang mga senior citizen na magtanim ng mga halamang gamot at pampalasa at pagproseso ng mga ito upang maging pangunahing tradisyonal at alternatibong gamot sa kani-kanilang tahanan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aniya, hindi lang dapat na maging magaling sa pagtukoy ng iba’t ibang herbs at spices kundi dapat din umano nilang matutunang ipaliwanag ang health benefits ng culinary herbs at spices at kilalanin ang mga diskarte sa pagtatanim ng mga ito.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kinakailangan umanong mas maraming pagsasanay ang isasagawa sa pamamagitan ng Department of Agriculture-Agriculture Training Institute (DA-ATI) upang mabigyan ng pagkakataong mabuhay ang mga residente, partikular na ang mga matatanda.

Ang mga benepisyaryo ay mag-uuwi ng mga pangunahing starter kits para sa pagproseso ng mga halamang gamot at pampalasa.