Daraga municipal library, nasungkit ang ikatlong pwesto bilang outstanding Tech4ED center

LEGAZPI CITY – Nasungkit ng Daraga Municipal Library ang ikatlong pwesto bilang Outstanding Technology for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development o Tech4ED Center sa buong rehiyon sa isinagawang Tech4ED Conference and Awards sa isang hotel sa Legazpi City.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng nasabing bayan, ginagawa ito ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang pagkilala sa mga e-center managers ng iba’t ibang bahagi ng rehiyon at bansa na nagbibigay ng Information Communications Technology (ICT) services sa mga komunidad na unserved o underserved.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aniya, tatlong taong iniindorso ng nabanggit na library ang e-government sa pamamagitan ng pagbigay ng ICT services sa nasabing bayan, lalo na sa mga estudyante na kailangang gumamit ng kompyuter o kaya internet para sa pag-aaral.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Maliban pa rito, sa tulong ng volunteers, nagbibigay  din sila ng tutorial na magsisilbing review center sa senior high school students na kukuha sa college entrance test.