24 anyos na welder huli sa buy-bust operation ng pulisya

CAMARINES NORTE- Humigit kumulang isang (1) gramo ng hinihinalang shabu na may market value na dalawang libo at limandaang piso (Php2,500.00) ang nakumpiska ng pinagisang pwersa ng mga otoridad mula sa isang 24-anyos na lalaki dakong 9:50  ng gabi nitong Hulyo 3, 2021 sa Purok 4, Barangay V, Daet Camarines Norte.

Ang ikinasang buybust operation ay nagresulta sa pagkakaaresto ni   Mark Dave Bartilet Y Paderon, 24 anyos at residente ng Purok 3, Brgy V, Daet Camarines Norte.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

 Nakuha sa suspek ang isang (1) maliit na pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust drug) kapalit ng marked money na limandaang  piso (Php500.00) at limang (5)  pirasong pakete pa na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala ang suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Daet MPS para sa paghahanda sa kaukulang kasong kanyang kakaharapin.