LEGAZPI CITY – Arestado ang construction worker sa Purok 8, Brgy.-San Roque lungsod ng Legazpi matapos makuhanan ng di lisensyadong baril at droga.
Kinilala ang suspek na si Waren Baldon Malab, 49 anyos residente ng residente ng nasabing barangy.
Ayon sa report, nagsagawa ng Search warrant Implementation na may paglabag sa sec 28 RA 10591 o ilegal posessession of firearms na pinangunahan ng Legazpi City Police station kasabay ang PIU, Albay PPO; 1st and 2nd APMFC; RPDEU5; at SRT-RMU 5 laban sa suspek.
Nakuha sa kanya ang isang di kilalang baril na may limang bala, siyam na pirasong pinaniniwalaang shabu na humigit kumulang sa timbang na 23 grams na nagkakahalaga na P156K at pera na P70K na pinaniniwalaan umanong nakolekta mula sa ilegal drug sales.
Ang mga narekober at suspek ay dadalhin muna sa legazpi police station para sa kaukulang disposisyon.