1.2 million pesos na halaga ng marijuana bricks, nasabat sa Isabela; 4 na suspek, arestado

Nasabat ng mga otoridad ang tinatayang nasa 1.2 milyong halaga ng marijuana bricks sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela ngayong araw June 27, 2021 kung saan arestado ang apat na katao na kinabibilangan ng isang menor de edad.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerwin Lipalam, 24 anyos, may asawa at  residente ng Dagupan, Tondo, Manila; Jayson Pallares, 23 anyos, tsuper at  residente ng Caloocan City; isang 17 anyos na lalaki na mula sa Tondo, Manila at Alvin Guiyab, 20 anyos, may asawa, tsuper at residente ng Balagan, San Mariano, Isabela.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nakatanggap umano ng impormasyon ang PNP Quezon mula sa Rizal Police Station kaugnay sa isinasagawang hot pursuit operation sa isang Toyota Vios na kulay silver at may plakang NDE 9548 na may lulang iligal na droga.

Ang naturang behikulo ay tumakas umano at hindi huminto sa nakatalagang quarantine control point sa Brgy. Romualdez, Rizal, Kalinga.

Dahil dito ay kaagad na naglatag ng checkpoint ang Isabela Provincial Intelligence Unit sa pangunguna ni PLtCol. Eugene Mallillin, PNP Quezon sa pamumuno ni PMaj. Roberto Valiente at PDEA Isabela sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela at iba pang operatiba.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Naharang ang naturang sasakyan kung saan nakumpiska sa loob nito ang 10 marijuana bricks na nakabalot ng silicon plastic at may DDB value na 1.2 million pesos at isang unit ng kalibre 38 na baril na may lamang limang bala.

Dinala na ang mga naarestong suspek sa Quezon Community Hospital para sa physical examination bago dalhin sa PNP Quezon para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.