21 Pinoy seafarers mula sa Ukraine, dumating na sa Pilipinas

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na nakabalik na sa bansa ang 21 Filipino crew ng MV S-Breeze vessel mula sa Chornomosk, Ukraine.

Sa isang tweet, ay sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na winelcome nila ang 21 tripulante na tumawid mula Ukraine papuntang Moldova sa tulong ng Philippine Honorary Consul sa Moldova na si Victor Gaina.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mula pa noong January 27 ay nakadaong ang barko ng mga nasabing tripulante sa Ilyichevsk Ship Yard sa Port of Odessa, sa Ukraine para sumailalim sa repairs.

Nagawa naman ng crew na manatili sa accomodations ng vessel kung saan ay sapat ang mga nakukuha nilang probisyon.

Gayunman, sinabi ng DFA na humiling pa rin sila ng repatriation dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Tumulong rin sa evacuation ang Embahada ng Pilipinas sa Budapest, kung saan ay hinati sa dalawang batches ang mga crew members noong February 27 at March 1, nang sila ay bumyahe papunta sa Republic of Moldova.

Una nang dumating sa bansa ang 17 Pilipino, kabilang na ang kanilang mga Pamilya, matapos nilang lumikas mula sa Ukraine.