Ilang jeepney drivers naniningil na umano ng P15 minimum fare kahit nakabinbin pa ang petisyon para rito

Ibinunyag ng opisyal ng ilang transport group na nakatanggap sila ng mga ulat na meron nang ilang jeepney drivers ang naniningil ng P15 na minimum fare kahit hindi pa lumulusot ang kanilang petisyon.

Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) president Orlando Marquez napaulat ito sa mga jeepneys na byaheng Cubao papuntang Antipolo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ipinaliwanag ni Marquez na ginagawa nila ito dahil hirap na sila sa pamamasada.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Aniya, wala na silang kinikita lalo na’t malakas kumain ng krudo ang kanilang mga sasakyan.

Ipinunto naman ni Marquez na inaasahang uusad na ang kanilang petisyon para sa P15 minimum fare ngayong Martes.