21 Pilipinong sefarers na lumikas sa Ukraine, inaasahang darating sa Pilipinas sa Martes

Inaasahang makauuwi na sa Pilipinas sa Martes ang 21 Pinoy seafarers na lumikas mula sa isang barko sa Odessa, Ukraine sa gitna ng Russian invasion.

Ang mga nasabing tripulante ay nagsisilbi bilang crew ng MV S-Breeze.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Noong February 27 at March 1 ay tumawid ang mga Pinoy seafarers sa border ng Moldova mula Ukraine, at pagkatapos ay nagtungo sa Romania.

Ipinunto ng DFA na noong January 27 pa nasa Odessa ang MV S-Breeze, na isang bulk carrier, para sumailalim sa repairs.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Naiulat rin ng DFA na nasa 13 iba pang seafarers mula sa 31 crew members ng Star Helena ang nakarating sa Moldova noong March 3, at kasalukuyan nang naghihintay ng repatriation.