21 karagdagang mga Pilipino sa abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA

Naiulat ng Department of Foreign Affairs ang 21 bagong kaso ng mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa abroad, na dahilan ng pag-angat ng kabuoang bilang nito sa 20,773.

Sinabi ng DFA na umkayat rin ang recoveries nito sa 12,261 matapos itong madagdagan ng 27 pasyente na nanalo sa pakikipaglaban sa virus.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dahil naman sa bagong dalawang fatalities ay pumalo na sa 1,229 ang bilang ng mga Pilipino na nasawi sa COVID-19 mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Samantala, natala naman sa Middle East/Africa ang pinakamaraming bilang ng overseas Filipinos na naapektuhan ng COVID-19 kabilang na ang 11,759 na kaso, 822 na nasawi, at 6,416 na recoveries.

Nairehistro naman sa Asia Pacific Region ang 4,475 infections kabilang na ang 33 fatalities at 2,376 na recoveries.