2024 Palarong Pambansa, opisyal nang binuksan

Opisyal nang nagsimula ang 2024 Palarong Pambansa sa Cebu, kung saan sasabak ang student-athletes sa isang linggong sports meet.

Sa kanyang opening speech sa Cebu City Sports Center, pinuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga atleta sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon na mapabilang sa nasabing national event.

Binigyang-diin din ni Marcos ang mga bago sa Palaro ngayong taon, kabilang ang National Academy of Sports at Philippine Overseas Schools, ang pagsasama ng dancesport bilang regular na isport, soft tennis, karatedo, football para sa sekondaryang mga babae, at esports bilang exhibition sports.

Inatasan din ng mga Pangulo ang mga concerned national agencies na magbigay ng tulong sa mga naapektuhan kamakailan ng malakas na bagyo sa Cebu tulad ng mga lokalidad ng Carmen at Minglanilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *