It’s official! Magiging lola na ang host at aktres na si Karla Estrada matapos ianunsyo ng kanyang anak na si JC Padilla ang pagbubuntis ng kanyang asawa.
Ngayong may paparating na baby sa kanilang pamilya, excited si Karla na gumanap bilang lola sa kanilang pamilya.
Saad ni Karla, imbis lola ay ang ipapatawag niya sa kanyang unang apo ay “Mamita.”
Maalalang noong Linggo nang ikasal si JC sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Nathalia Valdivia sa San Juan City Hall.
Sa reception naman in-announce ng dalawa ang gender ng kanilang anak, at masayang isinagaw ni Karla ang katagang “ITS A BOY!!!”
