NAGA CITY- 200 na mga establisyemento sumite ng aplikasyon upang magkaroon ng safety seal sa Naga City.
Ang pagkakaroon ng Safety Seal ay indikasyon ng pagsunod sa health protocols upang ligtas sa COVID-19 ang mga kliyente, costumers pati empleyado.
Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Arts Culture and Tourism Office Chief Alec Santos na sa 200 na ito 110 ang nainspeksyon ng kanilang team, 86 na ang nabigyan ng safety seal certification o nasa 83% na ang pumasa.
Nakaangkla ang hakbang sa Joint Memorandum Circular ng Department of Trade and Industry (DTI) , Department of Health (DOH) , Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa kabila nito binigyang diin ni Santos na bawal lumabas ang mga 17-anyos at pababa kung hindi essential ang lakad bilad ng pag-iingat sa COVID-19 base sa bagong guidelines ngayong may banta ng delta variant.