Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga Pilipinong sasabak sa 2024 Paris Olympics.
Ito’y makaraang maka-qualify pa ang ilang mga Filipino Olympians.
Isa na rito aang Filipina swimmer na si Kayla Sanchez na matatandaaang nakasungkit na ng silver and bronze medal sa Tokyo Olympics.
Bagamat Canada ang kaniyang ni-represent noon, Pilipinas naman ang bibitbitin niyang watawat sa Paris.
Bago ito, una na ring nakapasok para sa olympics ang Pinoy golfers na sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina.
Si Yuka Saso na lumaro noon para sa Pilipinas ay Japan na ang ire-represent ngayong taon.
Kumpirmado na rin ang pagsali sa PH delegation na si Kiyomi Watanabe.
(Jaime Codizal – Brigada News Intern)