2-Y.O. na bata, patay nang mahulog sa kumukulong tubig

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng dalawang taong gulang na lalaki matapos itong masawi dahil sa pagkakahulog nito sa kalderong may laman na bagong kulong tubig.

Ang insindente ay nangyari sa bahay ng kaniyang lola sa San Fabian, Pangasinan.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Ayon sa lola ng biktima, nagpakulo ito ng tubig para gamitin sa mister na may sakit.

Inilagay nito ang kaldero sa gilid ng kanilang bahay at pumasok sa loob para punasan ang kanyang asawa.

Ilang minuto pa ay may narinig silang umiiyak na bata, na akala ay nag-aaway lang.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Nang lumakas ang sigaw, nagpasya silang tingnan at nakita nila na ang bata ay nahulog na sa kaldero.

Agad naman sinugod ang biktima sa ospital pero kalaunan ay namatay din ito dahil sa matinding paso na tinamo sa katawan.