Arestado na ng pulisya ang dalawang wanted sa batas sa lalawigan ng Palawan kahapon February 27, 2022.
Ang mga suspek ay sina Renato Manaois Mascariña Jr., 35 anyos na nahuli ng Busuanga PNP sa brgy. Bogtong, Busuanga,Palawan na may kasong paglabag sa Sec. 5 psychological violence sa ilalim ng Republic Act. 9262 Violence Against Women And Their Children.
Sa bisa ng arrest warrant na pirmado at inisyu ni ni Hon. Judge Cecilia B. Parallag noong December 13, 2021 ay agad na sumama sa pulisya ang suspek.
Samantala, kalabuso na rin kahapon ang Palawan PPO’s High Value Individual (HVI at Target list rank no. 9 ng PDEA kahapon sa Sandoval St. Centennial 2, Pinagbuhatan, Pasig City.
Ang suspek ay si Rosevelt Macadangdang Bala, a.k.a “Arby Bala”, 39 Electrician na pansamantalang tumuloy sa lungsod ng Pasig.
Ayon sa Palawan Prov. PNP, inaresto ang suspek ng El Nido PNP, Palawan PIU kasama ang iba pang enforcement unit, bitbit nila ang arrest warrant sa kasong paglabag sa Section 5(i) of RA 9262 at paglabag sa Section 5(a) in Relation to Section 6(a) of RA 9262 Violence Against Women And Their Children.
Si Rosevelt ay kasalukoyang nasa kustosidya ng Police Sub-station 5, Pasig City na nakatadang dalhin sa lungsod Puerto Princesa.