2 Vietnamese nationals, arestado matapos makumpiskahan ng baril at iligal na droga sa isang bar sa Pasay city

Arestado ang 2 Vietnamese nationals matapos makumpiskahan ng baril at iligal na droga sa isang bar sa Pasay City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina alias Van, at alias Hoang.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 at light threat.

Bago ito , habang nagsasagawa ng monitoring ang pulisya sa mga KTV bars sa lugar, isang vietnamese national ang lumapit at nagsumbong sa na umano’y binantaan ang biktima ng mga suspek sa pamamagitan ng pagpapakita ng baril.

Agad na rumespunde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkaka rekober ng ng isang unit ng Colt Combat Commander caliber .45 pistol at isang maliit na self-sealing sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *