2 sa suspek ng pagkamatay ng isang estudyante, umamin na may 10 pa silang kasamahan -QCPD

Umamin ang dalawa sa apat na suspek ng pagkamatay sa isang criminology student dahil sa hazing na may 10 pa silang kasamahan sa initiation rites.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan, madadagdagan pa ang sasampahan ng kaso batay sa testamento ng dalawang salarin.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sinabi pa ni Maranan na nagsagawa ang QCPD ng CCTV backtracking at kasalukuyang pinapalinaw o ine-enhance ang footage upang makita ang plaka ng mga motor na ginamit ng mga suspek.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Aniya, higit-kumulang 20 na mga indibidwal ang nahagip ng CCTV na dumating at umalis sa insidente.

Bukod dito, isiniwalat din ng isang suspek na si Ahldryn Bravante lamang ang isinailalim sa initiation.