Tinatayang nasa 20 na mga Pilipino ang inaasahang darating ngayong hapon mula sa Israel.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), makatatanggap sila ng financial assistance matapos mawalan ng trabaho dahil naipit sa giyera ng Israel at sa grupong Hamas.
Sinabi naman ni OWWA Chief Arnel Ignancio na magbibigay ng P50K ang ahensya at pati na rin ang Department of Migrant Workers (DMW) ng karagdagang P50K para sa mga apektadong Pilipino.
Samantala, batay sa huling datos ng OWWA nasa 131 na mga Pilipino pa ang nasa Gaza habang naghihintay na makatawid sa Egypt kung saan nakaabang ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.