Nasa proseso na ngayon ng dokumentasyon at debriefing ang dalawang kasapi ng New people’s Army (NPA) na kusang sumurender sa mga awtoridad sa bayan ng Cataingan, Masbate.
Para sa kadahilanang pangseguridad, kinilala lamang ang mga ito sa kanilang alias na Lebie, 60-anyos, may asawa, Brgy Chairman at alias Neci, 60-anyos, may asawa, parehong naninirahan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, ang dalawang returnees ay regular member ng Platun 1, Kilusang Larangan Gerilya South, Sub-Region Committee 4 ng BRPC sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias Manong na siyang commanding offier ng nasabing hukbo.
Ang pagsurender ng dalawang rebelde ay dahil sa intelligence build- up na binuo ng Cataingan MPS, SAF, 2nd PMFC Military Intelligence Company at ng PIT ng Masbate at RIU5.
