2 rebelde sa Masbate, magkahiwalay na sumurender sa PNP

SORSOGON CITY – Dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang kusang loob na sumurender sa  mga alagad ng batas sa lalawigan ng Masbate.

Unang naiulat na kusang loob na dumulok para isurender ang kanyang sarili sa Pio V Corpus Police ang isang regular member ng Platoon 1, L2, KP4 sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias Ka Manong.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Ang 38-anyos na rebelde ay kumikilos sa ikatlong distrito ng Masbate.

Samantala, tuluyang tumiwalag din sa hukbo ang isang 26-anyos na aktibong miyembro ng L2, KP4, Kilusang Larangan Guerilla (KLG) sa ilalim ng Bicol Reg’l Party Committee (BRPC) at sumurender sa mga operatiba ng Masbate Police Provl Office.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Itinago ito sa pangalang ‘Dodong’, naninirahan sa bayan ng Pio V Corpus.

Ang pagbabalik loob ng dalawang rebelde ay bunga ng agresibong paglulunsad ng Retooled Community Support Program ng PNP-Bicol.