2 persona arestado sa ilegal na sabong sa Oas, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang dalawang lalaki matapos mahuli ng mga awtoridad na nagsasagawa ng ilegal na pagsasabong sa Purok 6, Brgy. Obaliw Riñas bayan ng Oas, Albay.

Kinilala ang suspek na sina Molito Rayel Reonico, 35 anyos residente ng Brgy Talongog at si Alvin Decosto Boraga, 27 anyos residente ng purok 7 barangay Obaliw Riñas ng nasabing bayan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang Oas mps mula sa isang concerned citizens tungkol umano sa ilegal cockfighting sa nasabing lugar.

Dahil dito agad pinuntahan ang lugar upang everify ng mga ito ang isinusumbong ng concerned citizen.

Nang marating ng mga operatiba dito na naaktohan na positibo na nagsasagawa ng tupada ang mga suspek na naging dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Narecover sa kanila ang dalawang panabong na manok na pula, dalawang gaffs at pera na ginamit sa pagtataya.

Sa ngayon ang mga suspek bay dinala sa himpilan ng pulisya habang Inihahanda na rin ang kasong isasampa na PD 1602 o ilegal cockfighting.