Kabiguan ng gobyerno na maitatag ang pederalismo sa bansa, isinisi ng Pangulo sa Kongreso

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso dahil sa kulang na suporta nito sa kaniyang campaign promise na maitatag sa bansa ang pederalismo.

Sa democracy summit na hinost ni US President Joe Biden, ay sinabi ng Pangulo na layon ng kaniyang pagsusulong ng pederalismo ay mapalawak ang “democratic participation” ng pilipinas.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ipinunto naman ng Punong Ehekutibo na nirerespeto niya ang separation of powers na mahalaga sa isang demokrasya.

Mababatid na nais ng Pangulo na mabago ang porma ng gobyerno sa pederalismo upang matugunan ang economic at power imbalances.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Gayunman, natengga ang panukala sa Kongreso na dinodomina ng kaniyang mga kaalyado.

Naniniwala naman ang oposisyon na gusto lamang ng Punong Ehekutibo na mapahaba ang kaniyang kapit sa kapangyarihan, na bagay naman na itinanggi na ng Malacañang.