2 LGU employee, arestado sa pamamaril sa Mulanay, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos itong barilin ng dalawang mga suspek sa Mulanay, Quezon nitong Biyernes, Abril 26.

Ayon sa report, nagmamaneho umano ng truck ang biktima nang harangin ito ng mga suspek kung kaya bumaba siya at doon na nakita si alyas “Manolito” na may hawak na baril.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Tumakbo umano ang biktima subalit dalawang beses itong binaril ni Manolito habang inagaw naman ni alyas “Michael ang nasabing baril at itinutok ito sa biktima.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima matapos ang insidente habang ang mga suspek naman ay naaresto na ng awtoridad.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.