DepEd pinaka dapat mag-adjust sa panahong ito na mayroong mga suspension ng face-to-face classes dahil sa matinding init ng panahon

CAMARINES NORTE – Naniniwala ang isang opisyal ng Department of Education na kung mayroon mang dapat pinaka mag- adjust sa panahong ito na mayroong mga suspension ng face-to-face classes ito ay ang mismong departamento at ang mga kaguruan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Antonio Ahmad, tagapagsalita ng DepEd Camarines Norte, sinabi nitong bagamat importante ang papel ng mga magulang, ang departamento pa rin aniya at mga guro ang pinaka “prime soldier” ng edukasyon.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Sabi ni Ahmad, bagamat nangyari na ang ganitong scenario noong panahon ng pandemya, magkaiba pa rin umano ang sitwasyon ngayon  dahil wala namang restriction sa kilos ng mga tao.

Kung noon umanong pandemya ay nasa loob lang ng bahay ang mga magulang dahil bawal lumabas at hindi makapagtrabaho kaya nasu- supervise ang pag- aaral ng mga anak, ibang iba umano ngayon kaya posibleng hindi talaga matutukan ang mga bata.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Kaya naman kung hindi raw agad naibigay ang mga module dahil sa mga biglaang anunsyo ng Lokal na Pamahlaan ng suspensyon ng face-to-face classes, ay kinakailangang pumasok sa eskwelahan ang mga guro para mag- distribute nito.

Binigyang diin ni Ahmad na sa pagkakataong ito ay importante ang “open and honest communication” sa pagitan ng mga magulang at guro.