2 lalaki, sugatan sa salpukan ng kotse at suv sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang dalawang lalaki sa salpukan ng kotse at SUV sa Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Hunyo 26.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, inokupa umano ng kotse ang lane ng kasalubong na SUV na nagresulta sa salpukan nito.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dahil dito, nagtamo ng injury sa katawan ang driver ng SUV at maging ang isa pang lalaki na sakay nito kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, bukas naman ang magkabilang panig sa pagkakasundo sa mga usapin hinggil sa aksidente.