2 lalaki, patay matapos sumalpok ang motor sa nakaparadang truck sa Candelaria, Quezon

Patay ang dalawang lalaki matapos sumalpok sa nakaparadang truck ang sinasakyang motor sa Barangay Masin Norte, Candelaria, Quezon nitong Martes, Hulyo 16.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Ayon sa report, pansamantalang umanong nakaparada ang tractor head sa nasabing lugar nang sumalpok ang motor na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver.

Dead on the spot ang driver at ang backrider nito na kinilalang si “Emerson”, 21-anyos matapos magtamo ng matinding injury sa ulo at katawan.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Samantala, bukas naman ang mga panig sa pagkakasundo sa mga usapin hinggil sa aksidente.