2 kawatan sa isang convenience store sa Quezon City, arestado

Himas-rehas ang dalawang lalaki na nagnakaw sa isang convenience store sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek na sina Renato Tugado, 21 anyos at Carlo Tapang, 23 anyos.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nakatanggap ng tawag ang QCPD sa closed-circuit television personnel ng tindahan kaya’t agad silang rumesponde at naabutan sa loob ng convenience store.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nakumpiska sa kanila ang 10-inches fan knife, metal saw, screw driver, mga pakete ng sigarilyo na siyang mula sa tindahan.