‘Mag-commute na lang,’ payo ng LTO sa mga nakainom ngayong Pasko

‘Kung may balak na makipag-inuman ngayong last-minute Christmas party mas mabuting mag-commute na lamang.’

Payo ito ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II matapos ang nangyaring aksidente sa Quezon City dulot ng isang lasing na SUV driver.

Read More:  DepEd to establish 13 new division offices to improve services in remote schools

Ayon kay Mendoza, igarahe na lamang ang sasakyan kung mapapalaban sa inuman para maiwasan ang aksidente at makapandamay pa ng iba.

Read More:  Pangilinan questions farm imports during harvest season

Inatasan na ng opisyal ang mga regional director na palakasin ang information drive at mga operasyon laban sa mga nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak o ng droga.