2 kawani ng City Traffic Management, sinuspende dahil sa reklamo ng pangongotong

Nanganganib na mawalan ng trabaho ang dalawang kawani ng City Traffic Management Office (CTMO) sa Princesa.

Ito ay bunsod ng reklamo ng pangongotong laban sa kanila nitong nakalipas na Linggo, March 12.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon sa pamunuan, sa oras na mapatunayan ang alegasyon, tuluyang masisibak sa serbisyo ang mga hindi pinangalanang tauhan.

Samantala, nagbabala na ang CTMO sa lahat ng mga tauhan nito habang hinihikayat nila ang iba pa na mayroon din na kaparehong reklamo na tumungo sa opisina at magdala ng ebidensya.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Hindi umano isinasantabi ang pagod at sakripisyo ng mga tauhan subalit hindi nito palalampasin kung nakagawa man ng pagkakamali ang sinumang tauahan, ayon kay CTMO Director at CIO Richard C. Ligad.