2 katao, arestado sa drug buy-bust operation sa Tabaco City

Tiklo ang dalawang katao sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 7, Brgy. Salvacion, lunsod ng Tabaco sa lalawigan ng Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jomarie”, 29 anyos, residente ng Relocation Site, Brgy. Pinagbobong at si “Norabelle”, 25 anyos at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, hapon nang isagawa ng City Drug Enforcement Unit ng Tabaco CPS kasama ang Albay Maritime Police Station at 503rd Maneuver Company RMFB 5 ang isang anti-illegal drugs operation sa nabanggit na barangay.

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang “shabu” at may timbang na 0.8 grams na nagkakahalagag mahigit PHP5,000.

Nang magkaabutan na ng item, dito na inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang nasabing item at perang ginamit bilang buy-bust money sa kaparehong halaga.

Sa nagyon ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *