2 helper naghain ng kaso vs Ruffa Gutierrez – Guanzon

Naghain na umano ng reklamo ang dalawang dating household helpers ni Ruffa Gutierrez laban sa aktres, na humihiling na makuha ang kanilang sahod at mabayaran ang damages.

Kaugnay nito, nagbahagi si P3PWD 1st nominee at dating Comelec commissioner Rowena Guanzon ng screenshot ng naturang dokumento mula sa National Labor Relations Commission, kung saan iniimbitahan si Gutierrez sa mediation conference kaugnay sa naturang kaso, na gagawin sa July 27.

Read More:  Vhong Navarro to pursue legal remedies over possible release of Deniece Cornejo, Cedric Lee
Read More:  Pokwang opens up on Malia’s relationship with dad Lee O’Brian

Una nang itinanggi ni Ruffa na may sinibak siyang kasambahay, matapos ang naging akusasyon ni Guanzon.

Paliwanag ng aktres, sariling desisyon ng dalawang helper ang kanilang pag-alis.