2 grupo, nagbarilan sa Caloocan nitong Bisperas ng Bagong Taon

Nagbarilan ang dalawang grupo sa Caloocan nitong Bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Caloocan City Police Substation 5 Commander Police Capt. Julius Villafuerte, ang umano’y kwento ng isa sa biktima ay pagkatapos ng putukan nitong January 1 napagtripan ang kanilang kaibigan ng isang grupo sa Barangay 153.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Nagsumbong ang biktima sa kanyang mga barkada kaya’t balak daw nilang kausapin ang kabilang grupo kung bakit pinalo ang kanilang kaibigan.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Batay sa CCTV, pagdating ng grupo ng biktima nagkaroon ng batuhan, suntukan at may isa pang nabaril.

Sinabi ni Villafuerte na nakalabas na sa ospital ang natamaan ng baril; habang tinutugis pa ang suspek na namaril.