2 dayuhan, nakuhanan ng P235-M na ketamine sa buy bust operation sa Maynila

Arestado ang dalawang foreign nationals sa Maynila dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na droga.

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa dalawang Pakistani ang ketamine nangkakahalaga ng 235 million pesos.

Bukod sa Ketamine, narekober din ng mga awtoridad ang dalawang sasakyan at maleta na naglalaman ng mga naka-bundle na pera.

Ang Ketamine ay isang mapanganib na gamot na inuri bilang isang hallucinogenic.

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEG ang mga suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang ang mga kontrabando ay itinurn over sa PNP Forensic Group sa Camp Crame, Quezon City para sa masusing forensic at laboratory examination.

Kakasuhan ang mga dayuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *