Umabot sa 20 mga indibidwal ang naitalang nabiktima ng mga paputok sa buong rehiyon ng Bicol sa buong peryodo ng fireworks-related injuries surveillance mula noong Disyembre 21 ng nakaraang taon hanggang Enero 6 ngayong taon ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.
Sa isang press conference, inihayag ni Dr. Ernie Vera, regional director ng nasabing ahensya, na kwitis ang may pinakamaraming nabiktima sa rehiyon; ngunit hindi lamang kwitis ang nagkaroon ng mga biktima, kundi kabilang na rin ditto ang five star, boga at fountain.
Pinakamaraming naitalang kaso ng mga napuputukan ay ang lalawigan ng Albay na may labindalawa; sumunod ang Camarines Sur na may lima; dalawa sa Camarines Norte at isa sa Naga City.
Nagpapasalamat naman si Vera sa lahat ng suporta ng mga naging katuwang sa kanilang kampanya laban sa paputok, dahil sa walang sawang pagkalat ng mga impormasyong ukol dito.