Pinalaya ang dalawang Chinese respondents sa Las Piñas POGO hub raid na lumabag sa Anti-Trafficking in Persons Act kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon sa kanilang abogado na si Melvin Bermudez, pinakawalan ang dalawang Chinese national batay sa unang utos na inilabas ng Department of Justice (DOJ) panel.
Dagdag pa ni Bermudez, ang kanyang mga kliyente ay hindi direktang inakusahang gumagawa ng krimen dahil bisita lamang sila sa Hong Tai compound noong panahon ng raid.
Mababatid na nitong Hulyo 3 inilabas ng DOJ ang release order pero umabot ng higit sa isang buwan bago pa ito naipatupad.
Sa huli, nagbigay-katwiran naman ang ahensya at Bureau of Immigration (BI) na patuloy na nakakulong ang dalawang Chinese dahil sa immigration issues.
