Bagong Deputy Director ng BuCor, itinalaga ni PBBM

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Gil Tisado Torralba bilang Deputy Director General for Operations sa Bureau of Corrections (BuCor).

Bukod dito, ikinatuwa ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang appointment ni Torralba.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay Catapang, umaasa siyang mapapabuti ang ahensya sa pagtalaga ng bagong Deputy Director General lalo na’t may mga kasalukuyang imbestigasyon na nangyayari sa loob ng Bilibid.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Aniya, patuloy pa ring sinisilip ng Kongreso tungkol sa pagsusuri ng pribilehiyo sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) partikular na sa pagbisita, paghatid ng pagkain, at pagpapadala ng pera sa mga preso.