2 binata na nagnakaw ng bisikleta sa City Baywalk, huli ng Anti-Crime Task Force

Kulong ang dalawang binata matapos mahuli sa aktong ninanakaw ang bisikleta sa Puerto Princesa City Baywalk kaninang madaling araw.

Ang mga hinuli ay sina Ronnel Mosil Ambel at si Jonel Basic Panoril, parehong construction worker.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa ulat ng Police Station 1, nahuli ng mga tauhan ng Anti- Crime Task Force ang dalawa habang kinukuha ang mga bisikleta na pagmamay-ari ng negosyante na si Ms. Alma Baoya.

Naiparating sa biktima ang insidente ng isa nitong kaibigan at nakumpirma nitong bisikleta niya ang kinuha ng mga suspek sa baybay.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nakuhanan pa ng dalawang kutsilyo ang mga suspek kaya nahaharap din ito sa illegal possession of bladed weapon maliban sa reklamong theft.