2 Bicolanong Topnotchers sa Criminology Licensure Examination 2023; nakatanggap ng cash incentives

NAGA CITY – Isang “gabi ng kahusayan” ang ipinagdiwang ng Naga College Foundation noong May 12, bilang parangal kina Kenneth O. Dela Torre  at Mark P. Villanueva, na Top 1 at Top 10 sa Criminology Licensure Examination April 2023, na kapwa mula sa Tinambac, Camarines Sur.

Sa pangunguna ni President Dr. Mario Villanueva ng Naga College Foundation at ni Dr. Marilyn Balares, Dean ng NCF Criminal Justice Education, ibinigay ang Cash Incentives na P500, 000.00 para kay Kenneth at P50, 000.00 naman para kay Mark.

Ayon kay Dr. Villanueva, ang mga nagawa ng mga mag-aaral ay naging inspirasyon sa institusyon na “lumikha ng higit pang mga inobasyon”—na sumusunod sa programa ng NCF na “lumikad sa hinaharap”—upang tugunan ang “lumalaking pangangailangan para sa kalidad at kahusayan,” partikular sa Criminology.

Bukod sa ibinigay ng NCF mayroon pang hiwalay na cash grant mula sa kanilang review center.

Muling kinilala at pinarangalan ang dalawa ng Lokal na Pamahalaan ng Naga sa ginawang flag raising ceremony kahapon ng umaga.

Sa isang panayam naman kay Dr. Balares, maliban sa cash incentives, makakatanggap din ang dalawa ng Scholarship upang pagpatuloy sa masters degree, inalok na rin ang dalawa ng paaralan na maging faculty member.

Dagdag pa ng Dean na pagdating sa mga polisiya napakahigpit nila, talagang inihahanda rin ang mga mag-aaral na hindi lang dapat makapasa bagkus ang maging topnotcher dapat sa board exam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *