2 bayan sa Albay mababa ang pagbabakuna sa A3 Priority Group-DOH Bicol

LEGAZPI CITY –  Inihayag ng Department of Health (DOH ) Bicol na dalawang bayan sa Albay ang nakapagtala ng mababang record ng pagbabakuna sa A3 priority group.

Base sa tala ng ahensya, aabot sa 5.81% sa bayan ng Polangui habang 7.50% lamang sa bayan ng Tiwi ang naitalang porsyento na nabakunahan na comorbidity.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Maliban sa nabanggit na mga bayan na mababang pagbabakuna, ang bayan ng Guinobatan ay mayroon lamang na 12.06% ang nabakunahan na comorbidity, sinundan ito ng Malinao na 12.44%, Daraga 20.23%, Oas 21.30%, Libon 26.09%, Malilipot 28.16%, Jovellar 35.33%, Bacacay 35.77%, Camalig 49.10%, Sto Domingo 49.72%, Pioduran 60.12%, Manito 62.90%, at bayan ng Rapu Rapu 65.77%.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, ang lungsod ng Legazpi at Ligao ay nakapagtala ng lampas sa 100% ng pagbabakuna habang ang Lungsod ng Tabaco ay nakakapagtala lamang ito ng 75.08% ng pagbabakuna sa A3 priority group.

Sa kabuuhang bilang umaabot na sa 164, 865 o 16.70% ang nababakunahan sa lalawigan ng Albay na A3 priority group.