PNP Chief nagbabala sa kapulisan na huwag tularan ang mga iresponsableng rider

Nagbabala si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa kapulisan lalo na sa mga pulis na motorcycle riders na huwag tularan ang tinawag nitong mga iresponsable at payasong riders.

Ito ay kasunod ng nagviral na video kung saan makikita ang dalawang indibidwal na gumagawa ng motorcycle stunt sa isang highway na umanoy nangyari sa Zambales.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon sa PNP Chief, kailanman ay hindi kasama ang mga pampublikong kalsada sa ganitong gawain dahil maaari itong magdulot ng aksidente at ikapahamak ng ibang motorista.

Kaugnay nito, nilinaw ng Zambales PNP at Highway Patrol Team sa lalawigan na hindi nila tauhan ang dalawang nasa video.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa kabila nito, iniimbestigahan na rin ang pangyayari, inaalam kung sino ang dalawa, kung law enforcers ba ang mga ito at kung saan eksakto ang lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew Ginseng Gingko Biloba Ginger Lemon Agaricus Mushroom า882 Powver Cells 6IN1 Salabat Herbal Herbal Mix Ginger Brew Power Cells 6IN Salabat Net Content: Sachets damsDecoo_d Ang Power Cells Salabat ay may pinagsamang Ginger, Lemon, Ginseng, Agaricus Mushroom at Gingko Biloba para sa mas mabisa, natural at epektibong pangaraw-araw na tsaa! ww.a www.powercells.ph'